
Kung yung ibang tao ay nababdtrip pag nadidinig ang Gangnamn Style, ako naman ay parang yung aso sa taxi na umaalog ang ulo kapag nadidinig ang hit na kantang yan mula sa Korea.
Pero di naman porket natutuwa ako ay sasayawin ko na yan. Langya talaga oh. Nahaharap ako ngayon sa isang matinding pagsubok dahil isasaalang alang ko ang dignidad at pagkatao ko kung sakaling mababa ang maibigay kong score. Sabi kasi ng boss namin, kapag di namin siya nabigyan ng magandang score, sasayaw kami ng Gangnam Style de leche sa production floor. Mga 200+ nga pala ang taong nasa loob nun. Kasama dun yung crush kong fresh.
Kung ihaharap siguro sakin ang gagamba o di kaya ay pahihimasin ako ng ahas kapag mababa ang score ko ay matatanggap ko pa eh. Pero yung pasasayawin ako sa harap ng mga taong puyat, di ko talaga masisimukmura. Mag pole dancing na lang ako habang nakasuot ng bunny costume tulad ng babae sa Playboy Mansion mas bebenta pa eh.
Langya ka Gangnam Style. Ngayon lang kita isusumpa.

Noong nag aaral pa ko, ang gusto ko lang ay makagraduate na kaagad at makatakas sa sandamukal na requirements at terror professors. Masarap nga naman kasi yung kumikita ng sarili mong pera at mabibili mo na kung ano mang gusto. Magpaka bundat, mag shopping, o di kaya ay uminom hanggang sa sumuka na parang uwak—ganyan kasarap gumastos ng pinaghirapan mong pera.
Sa wakas ay nagtatrabaho na ko. May pera nga pero wala na kong oras. Kung noon ay malaya akong pumunta kung saan ko man gusto kahit pamasahe lang ang dala, pwedeng pwede. Tama pala yungv di mo makukuha ang lahat ng gusto mo sa buhay. Ngayong kumikita na ko, gusto ko namang bumalik sa pag aaral. Kung sino man ang anito na tumupad ng kahilingan kong magkatrabaho, malamang batukan niya ko pag hiniling ko ulit magbalik sa pagiging estudyante.
Ang gusto ko lang ngayon ay pumunta sa isang tahimik na lugar. Magbasa ng libro o di kaya ay magdrowing. Makipag usap sa mga taong di ko kakilala at makapulot ng aral mula sa mga kwento nila. Gusto ko lang ipahinga ang utak ko paminsan minsan. Makatakas sa mundong kailangan mong hintayin ang 15-minute break para lang makadaldal, makapag unat ng buto at makapag relax.
Maari kong magpakabusog sa anumang pagkaing gusto ko o di kaya ay bumili ng sapatos o damit para matanggal ang stress. Pero parang kulang eh. Para bang gusto ko lang magpahinga at may makausap.
Tara?
Noong biyernes, nakuha ko na ang kalahati ng sweldo ko para sa buwan na ito. Malaki kung tutuusin dahil wala naman akong pagkakagastusan bukod sa pagbibigay ng pambayad sa kuryente at internet. Syempre, kasama pa dyan ang buwanang allowance na binibigay ko sa magulang ko. Naks, allowance! Parang sila estudyante noh? Haha! Binigyan ko kasi sila ng pang shopping dahil noong mga panahong wala pa kong trabaho, kapag wala na kong maisuot o di kaya ay nakadila na ang sapatos ko, walang pag aalinlangan nila akong ibinibili ng bago kahit talbos at binagoongang isda na lang ulam namin. Pang MMK buhay namin eh.
Para naman sa sarili ko, ito ang mga binili ko:
Ngayong nagkatrabaho na ko at pinagpaguran ko ang kinita kong pera, mas lumawak ang pag intindi ko sa mga kung anong mas importanteng bagay. Mas mahirap gumastos dahil nakakapanghinayang ipambili ang perang pinagpuyatan at ginamitan mo ng utak. Kung noon ay naghihintay ka lang ng baon kaya mas madali gumastos, iba na ngayon. Parang kailangan mo pang pag isipan kung kailangan mo ba talaga o kung mapapasaya ka ba nung bagay na bibilhin mo o panghihinayangan mo lang sa huli.
Kaya kung nanghihingi ka ng kickback sa nanay o tatay mo, makonsensya ka teh. Mahirap magtrabaho at totoong di itinatae ang pera. Eh kung sampalin kaya kita ng payslip?
Ang buhay ay di tulad ng Wiltime Bigtime na konting sayaw mo lang at pagsasabi ng “Ang pogi mo Wil!” o “Idol na idol ka ng lola ko!” ay may instant 5 thousand pesos ka na, freego jacket at Siyempre album.