Keep calm and drink Milo.

Super Mario fanatic. Loves the scent of books. Pancit canton addict.. In love with cheese and root beer. ♥
Recent Tweets @faye.alcoriza
Posts tagged "thoughts"

Ginawa ko to habang naghihintay ng jeep sa ilalim ng posteng may dilaw na ilaw. Bangag at gutom mula sa trabaho. Nakatayo ako ng 2 oras para lang may dumaan na jeep. Tiis ganda dahil yung takong ko pang beauty contest.


Ito weakness ko eh. Pakshet. Hilig na hilig ko talaga magsulat pero pag nagpagawa na ang teacher ng tula, ay susmiyo! Gusto ko magpalamon sa lupa ng buhay!Pang fliptop lang ako kung tumula. Walang kalatoy latoy ang pinagsasasabi ko. Parang nakikipag bangayan lang sa kanto.


Pero may taong ginawan ako ng tula dahil gustong gusto ko sya. Di ko pa lang pinapakita dahil baka di nya type. Malay ko ba kung mas gusto nya makakita ng legs kesa sa tula di ba? O kaya mas trip nya pick up lines na tipong “Mesa ka ba? Papatong naman oh.”


Masayang lang ang effort ng feeling makata. Di naman pala niya hilig ang magbasa o tumula. Sabihin pa nya korni o walang dating. Naniniwala pa din akong basta writer, sweet lover.

Kung nagka boypren pa siguro ko, pagiging chop-chop lady ang hihilingin ko.
Noong nag aaral pa ko, puro ako energy at panahon pero kapos sa pera. Ngayon namang suma sideline akong call girl, ginagawa kong confetti ang pera pero lupaypay naman ako at tila ba pinagkait sakin ang oras. We couldn’t have it all ika nga. Ang selfish mo naman!
January 2013. Pang pitong buwan ko sa trabaho. Sa buwan kung saan lahat ng inilistang new year’s resolution ay walang natupad, mukhang may isa pang pangakong mapapako.

Catch up with my friends.

Yun ang nilagay ko sa listahan. Pang # 10, kasunod nung tigilan na ang pagbili ng libro dahil di ko naman makakain yun.
Natutupad ko naman kahit papano. Yung tipong puyat ka pero maliligo ka kaya tumitibok tibok yung mata mo kaya kailangan mo mag shades para di magmukhang weird. Punta sa Maynila para i-meet ang kaibigan sa internet, uwi sa bahay sandali na akala mo pokpok dahil walang energy, tapos ay byahe papuntang Batangas para i-meet ang college friends.

Whew! Success!

But wait, there’s more! Tutal 2 oras ang byahe pabalik ng Cavite, pwede pa matulog sa jeep! Di baleng magising na nakasandal na pala sa katabing naka sando at may buo buong Michael’s gel sa patilya basta makatulog kahit sandali.
Sa wakas nakauwi na din! Palit lang ng damit para naman di amoy usok at alikabok. Meet up muna with high school friends at tumagay ng konti. Pinaghalong puyat, pagod at kalasingan, konti na lang papasa na kong rape victim.

Haaay. Buti nagkayayaan na mag uwian.

Papasok na nga lang ng gate, naharang pa ng mga kababata. Kwentuhan daw muna sa ilalim ng buwan tulad ng dati. Ako naman, go lang! Pagkasyahin ang oras kahit bibigay na ang katawan. Kailangan ata mag dextrose ng cobra at red bull pero tuloy pa din. May nagyaya pa mamnood ng pelikula. Pakshet! Pang guinness na ko! 31 hours na kong gising!

Nagkatamaran na dahil tinawag na ng nanay ang isa. Whew! Nakaligtas ang eyeballs ko sa pagbagsak sa sahig sa sobrang antok.
Nakita ko ang kama ko at sa wakas ay nakahiga na. Niyakap ang teddy bear at nag status muna sa facebook bago pumikit. “Sana wala nang magselos na kaibigan dahil di napuntahan.” Teka, baka mabasa ni Eloisa. Niyayaya nga pala kong mag Divisoria pero wala nang oras. Sabi ko next time na lang. “Okay. Sige!” ang sabi nya pero halatang may sarcasm at pag iimbot ang tono nya. Wag na nga lang mag status para safe. Pumikit na lang ako at nagpatay ng ilaw para makatulog.

Pero biglang kumatok ang inay. Maaga daw akong gumising at aalis kami bukas.

Wow! Di pa nga nakakatulog, gising na kagad ang poproblemahin. Pakihati ang katawan ko o di kaya i-clone nyo ko. Now na.

Parang isang epidemya na biglang nanalanta sa mga tao ang pag ibig. Naging extinct ang mga pakipot, lumakas ang loob ng mga torpe, natutong lumandi ang mga NBSB. Dinaig pa ang Divisoria sa dami ng nag aagawan at nag uunahan makakuha lang ng pag ibig.

Bata man, nakikipagtagisan makakuha lang ng pag ibig. Pressure nga naman kapag yung mga kabarkada mo, may hinahatid na girlfriend sa sakayan ng tricycle o kaya yung bestfriend mong kahit di pa pinamumukulan eh may koleksyon na ng couple shirt.

Di rin papatalo yung mga malapit nang kumunat ang dapat kumunat sa katawan. May karapatan nga naman sila kung tutuusin dahil ilang taon na silang naghihintay pero wala pa ding dumadating. May namumuo sigurong ideya sa isip nila na nakakatakot tumanda at mamatay mag isa. Ikaw nga ba naman ang magka uban na kakahintay ng pag ibig di ka pa ba aaksyon?

Natural na siguro sa tao ang maghangad ng pag ibig. Sino nga ba naman ang taong gustong mamuhay na puno ng galit sa mundo at kahit minsan ay di naranasan umibig o di kaya ay ibigin? Pasok dito yung FPJ na laging sagot sa slumbook: F-Friends, P-Pamilya, at J-Jowa. Kung never mong naranasan ang mahalin o magmahal ng sino man sa FPJ, naku, ikaw siguro yung tinutukoy sa kantang Pusong Bato.

Pero bakit nga ba sa isang iglap ay para na lang bigalng naging big deal ang pag ibig? Siguro dahil karamihan satin may access na sa taong nagugustuhan, para bang nagkakaroon ng kaunting pag asa. Kapag nakita mo yung mga ni-like niya sa facebook, nagkaka ideya ka kung sino nga ba siya. Nagkakaroon ka ng ideya kung paano magpa cute at magpa impress. Kung taken naman yung crush mo, pwedeng manggagalaiti ka saglit at lalaitin yung karelasyon niya, o di kaya ay mabilisang pag move on at hanap na ng iba.

Madami man ang na pressure o di kaya ay nagmadaling magmahal, walang kaso yan. Sino ba naman tayo upang humadlang sa pag-ibig? Di naman tayo nanay ni Fernando Jose para pigilang makasal sila ni Marimar. Pag ibig yan, mahirap pigilan.

Nagkausap kami sa facebook ng isa sa mga kaibigan kong ipinipilit na magsulat ako ng libro. Kung meron nga lang akong fans club, malamang nangunguna na sya sa pila at may hawak pang manila paper na nakasulat na “Faye Forever” gamit ang marker na naghihingalo. Alam ko naman kasing di yun gagastos para lang magpa tarpaulin. Pero kahit di siya handang maglabas ng pera para sakin, alam kong buo naman ang suporta niya.

Sabi niya, panahon na daw para tupadin ko ang pangarap kong maging writer. Magsusulat ng librong pagkakaguluhan ng madla tapos yayaman ako at maililibre ko na sya. Di ko alam kung gusto niya ba kong magsulat ng libro para matupad ko ang pangarap ko o gusto lang niya magpalibre eh. Ang tunay na kaibigan talaga, patay gutom.

Pero medyo napaisip ako sa sinabi niya. Matagal tagal na din akong nagsusulat at nakakakuha naman ako ng magagandang komento mula sa mga sinusulat ko. Pero napaisip akong muli dahil parang di pa ko handa. Di handa dahil kaya kong magsulat pero di yung mga tipong kakagatin kagad ng tao.  Puro tungkol sa pamilya, kapitbahay, kawalang hiyaan sa buhay at mga bagay na gusto at ayaw ko ang isinusulat ko. Mula sa binili kong panty noong unang sweldo ko hanggang sa batang kumakain ng langib at mga pulitikong pa cute lang naman ang topic ng mga post ko. KUng ito ang isusulat ko, may bibili kaya ng libro ko? Malamang wala. 

Love.

Ito yung isa sa mga pinaka benta eh. Magsulat ka tungkol sa pagkabigo, pagka friendzone, o di kaya ay yung mga tips kung paanong di mabasted, sigurado benta. Madaming magbabasa dahil maraming hopeless romantic na hanggang ngayon ay naghahangad na isang araw ay mapasa kamay niya ang crush niya. Marami ang nabigo sa pag ibig na nakakahanap ng karamay mula sa mga sinulat ng kapwa niya nabasted. Marami ang nagbabasa tungkol sa pag ibig dahil lahat tayo ay iibig, iibigin at magpapaibig.

Pero ito ang isa sa mga bagay na di ko mapilit isulat. Di ko kaya magbigay ng payo tungkol sa love, o di kaya ay maghalintulad ng isang bagay sa pag ibig. Ito siguro ang masasabi kong weakness ko dahil kahit anong piga ko s autak ko, di talaga ko makapagsulat tungkol sa lintik na pag ibig na yan. Wala siguro akong puso. 

Kailangan ko siguro munang mainlove bago ko makapagsulat tungkol sa love at makapagpublish ng bebentang libro. Kung hihintayin kong mangyari yun, malamang matanda na ko. 

Leche. 

Sino ba naman kasing matinong tao ang bibili ng libro tungkol sa batang ginawang haw flakes yung langib niya di ba? 

Sabi nga sakin ng kaopisina ko, “Halos lahat na ng babae agresibo. Ikaw na lang ang hindi.” Di ko alam kung matutuwa ba ko o mababastos eh. Para kasing sinasabi na lumandi ako dahil ito ang uso. Kumbaga, napag iiwanan na daw ako kaya heto at umaasa ako sa darating na pag ibig. Eh ano naman?

Ang sabi ko na lang, kung dadating yan, edi dadating. Kung mabulok at agiwin man tong kepyas ko at tumanda akong dalaga, wala akong pakialam. Di porke’t uso ang landian, makikisali ako. KJ kung iisipin di ba? Eto siguro hirap kapag mahilig magsulat eh. Umaasang magkakatotoo sa tunay na buhay ang mga bagay na nalilikha sa kaisipan. Kumbaga sa pelikula, ako ang bida. 

Wala akong alam sa lintik na pag ibig na yan, aminado ako. Di pa ko umiiyak ng tulo ang uhog at halos di na makahinga dahil nakipagbreak. Di pa ko kinikilig na parang bulateng may asin dahil nahalikan sa ilalim ng ulan. Di pa ko nagpapakalasing at sumuka ng spaghetti dahil nag cool off kami ng boypren ko isang linggo ang finals. Kapag naranasan ko lahat ng yan, para na din akong sumapi sa katawan ni Kim Chiu noong sila pa ni Gerald Anderson.

Noong nag aaral pa ko, ang gusto ko lang ay makagraduate na kaagad at makatakas sa sandamukal na requirements at terror professors. Masarap nga naman kasi yung kumikita ng sarili mong pera at mabibili mo na kung ano mang gusto. Magpaka bundat, mag shopping, o di kaya ay uminom hanggang sa sumuka na parang uwak—ganyan kasarap gumastos ng pinaghirapan mong pera.

Sa wakas ay nagtatrabaho na ko. May pera nga pero wala na kong oras. Kung noon ay malaya akong pumunta kung saan ko man gusto kahit pamasahe lang ang dala, pwedeng pwede. Tama pala yungv di mo makukuha ang lahat ng gusto mo sa buhay. Ngayong kumikita na ko, gusto ko namang bumalik sa pag aaral. Kung sino man ang anito na tumupad ng kahilingan kong magkatrabaho, malamang batukan niya ko pag hiniling ko ulit magbalik sa pagiging estudyante.

Ang gusto ko lang ngayon ay pumunta sa isang tahimik na lugar. Magbasa ng libro o di kaya ay magdrowing. Makipag usap sa mga taong di ko kakilala at makapulot ng aral mula sa mga kwento nila. Gusto ko lang ipahinga ang utak ko paminsan minsan. Makatakas sa mundong kailangan mong hintayin ang 15-minute break para lang makadaldal, makapag unat ng buto at makapag relax.

Maari kong magpakabusog sa anumang pagkaing gusto ko o di kaya ay bumili ng sapatos o damit para matanggal ang stress. Pero parang kulang eh. Para bang gusto ko lang magpahinga at may makausap.

Tara?

Minsan gusto ko sabihin sayo na, “Tutal lahat ng effort mo na binubuhos sa kanya eh, binabalewala lang naman niya, bakit di mo na lang sakin ibuhos ang oras mo?  Bakit di na lang ako? Di kita babalewalain. Di masasayang effort mo.” Kulang  na lang ay sabihin ko ang linya ni Basha na, “Ako na lang..ako na lang ulit..” Pero bigla kong maiisip na wala nga pala tayong nakaraan kaya ang drama ko naman masyado. Mas bagay pa siguro yung kantang, kung ako na lang sana tapos iiyak sa shower. Naks! Daig pa rape victim.

Pero naisip ko, unfair eh. Di mo naman kasi pag-aaksayahan ng oras at pagkakataon kung di importante di ba? Di ka gaganahan kapag di mo naman gusto yung tao o yung ginagawa mo. Para ka lang nakipagbalyahan sa Divisoria habang suot ang iyong red stilettos.

Isa pa, kung hihilingin ko man sa genie na ako na lang ang pagtuunan mo ng pansin, paano kung yung taong gusto ako ay hilingin din sa genie na sa kanya na lang ako mag effort? Lalong gumulo di ba? Pakshet.

Siguro talagang nabubuhay tayo sa mundo kung saan ang istorya ay hahabulin kita, hahabulin mo siya, pero pag lumingon ako makikita kong may humahabol din pala sakin. Yun nga lang, di ko siya gusto. At ganun din ang tingin mo sa sakin.

Parehas lang pala tayo.

Yan nga pala ang suot ko noong sabado. Ang astig nung litrato. Para akong nakaupo sa higanteng Hany.

Noong sabado, lumuwas ako papuntang Maynila para manood ng indie films. Dahil bumabagyo na bago pa man ako umalis ng bahay, naisipan kong mag short na lang dahil kapag nag leggings ako, magmumukha akong scuba diver pag nabasa ako ng ulan at sumugod sa baha.

Dahil naka shorts nga ako, may nakatabi akong mamang literal atang ‘wet’ kaya kahit legs ko lang naman ang kita eh dinaluyan na ng kamanyakan ang veins. Nasa tabi ako ng bintana at nakatingin sa bahang abot hanggang tuhod. Maya maya ay namalayan kong nasa kaliwang hita ko na ang tatlong daliri niya. Kung may dala lang akong cutter o blade, hiniwa ko na yun. Di na siya makakakanta ng ‘Sampung mga daliri’.

Kinuwento ko sa ilang kaibigan ang nangyari. Ang sabi nila, nahipuan ako dahil ginusto ko yun. Nag shorts daw kasi ako kaya ako nahipuan. Kung di ako nag shorts, malamang di ako nahipuan.

Pakinshet to the max eh noh?

Dahil ba naka short ay pwede nang hipu hipuan? Inimbento ba ang shorts para may lisensya ang mga manyakis na manghipo ng babae? Sa tingin ko ay hindi. Ang pagsusuot ng shorts ay di nangangahulugang nagiging isa kang sex symbol at pwede nang bastusin anumang oras. Kung saan ka komportable, hindi ba’t nararapat na ito ang isuot mo?

Langya kasi yung mga manyak eh. Dapat dun pinuputulan ng kaligayahan tapos patakan ng kalamansi. Ewan ko lang kung manghipo pa yun.

Balang araw ay magsusulat ako ng script na pampelikula. Yung tipong maaring magpaiyak, magpatawa o di kaya ay magpakilig ng manonood. Magaling akong manakot pero baka mamaya, sa kalagitnaan ng pagsusulat ko ay may lumabas na diablo o paring pugot ang ulo sa kusina dahil sa tind ng imahinasyon ko. Di din naman ako magaling magsulat ng pelikulang nakakalito. Yung tipong lalabas ang tao at di niya alam kung ano ba yu ng pinanood niya.

Gusto ko din maglathala ng sarili kong libro. Isang librong matutuwa o di kaya ay matutuwa ang sinumang babasa. Kung may mapupulot silang pang status sa facebook o pang twitter na malupit na quotes, edi ayos. Dagdag exposure yun sa isinulat ko. Pero habang para pa kong bubot na manggang pagewang gewang na nakasabit sa sanga ng puno, itutuloy ko muna ang pagsusulat dito sa aking blog. Sasali din ako sa Palanca para mahasa. Tandaan niyo yan. Itaga niyo pa sa bato gamit ang gulok ni Bonifacio.

Di naman kailangang anihin kagad at lagyan ng kalburo para mahinog eh. Sino ba namang kakain ng hinog sa pilit di ba?

Noong biyernes, nakuha ko na ang kalahati ng sweldo ko para sa buwan na ito. Malaki kung tutuusin dahil wala naman akong pagkakagastusan bukod sa pagbibigay ng pambayad sa kuryente at internet. Syempre, kasama pa dyan ang buwanang allowance na binibigay ko sa magulang ko. Naks, allowance! Parang sila estudyante noh? Haha! Binigyan ko kasi sila ng pang shopping dahil noong mga panahong wala pa kong trabaho, kapag wala na kong maisuot o di kaya ay nakadila na ang sapatos ko, walang pag aalinlangan nila akong ibinibili ng bago kahit talbos at binagoongang isda na lang ulam namin. Pang MMK buhay namin eh.

Para naman sa sarili ko, ito ang mga binili ko:

  • bra at panty- yung iba ko kasing panty, may print ng animals sa zoo. Eh gusto ko yung nakakasexy kaya bumili ako ng bago. Para mukha kong model ng Tanduay sa kalendaryo.
  • ballpen- lagi kasing kinukuha ng katabi ko yung ballpen ko at di na binabalik. Minsan nga gusto ko saksakin yung philtrum eh.
  • grocery- Tuwing may pera ako, bumibili ako ng supplies para dito sa bahay. May suka, toyo, gatas, itlog atbp. Para kong pokpok sa teleserye. Haha!
  • Shoes- Simula’t sapul, ito talaga yung gusto kong bilhin. Humihiram lang kasi ako ng sapatos sa ate ko at sa totoo lang, pangalawang sapatos ko pa lang ito na binili ko gamit ang sarili kong pera. Kung di ko naman kasi talaga kailangan, di ako bibili.
  • Clothes- kung papipiliin mo ko, mas gusto ko pang bigyan mo ko ng libro kesa damit. Di ako fashionista at wala akong pakialam sa porma ek ek na yan. Hangga’t nakakahinga ng maluwag ang kili-kili ko at di sumisingit sa pwet ko ang suot ko, okay na ko. Pero dahil kailangan sa trabaho ang naka corpo, napilitan ako bumili ng damit.

Ngayong nagkatrabaho na ko at pinagpaguran ko ang kinita kong pera, mas lumawak ang pag intindi ko sa mga kung anong mas importanteng bagay. Mas mahirap gumastos dahil nakakapanghinayang ipambili ang perang pinagpuyatan at ginamitan mo ng utak. Kung noon ay naghihintay ka lang ng baon kaya mas madali gumastos, iba na ngayon. Parang kailangan mo pang pag isipan kung kailangan mo ba talaga o kung mapapasaya ka ba nung bagay na bibilhin mo o panghihinayangan mo lang sa huli.

Kaya kung nanghihingi ka ng kickback sa nanay o tatay mo, makonsensya ka teh. Mahirap magtrabaho at totoong di itinatae ang pera. Eh kung sampalin kaya kita ng payslip?

Ang buhay ay di tulad ng Wiltime Bigtime na konting sayaw mo lang at pagsasabi ng “Ang pogi mo Wil!” o “Idol na idol ka ng lola ko!” ay may instant 5 thousand pesos ka na, freego jacket at Siyempre album.