
Gusto ko sanang sigawan yung mga batang bigla na lang sumampa sa likod ng DMAX namin at nag set-up ng bahay bahayan dun sa pick up. Kaso, kawawa naman. Sinusulit lang naman nila ang pagkabata nila kaya pinagbigyan ko na.
Kaso nga lang, tinambakan ng mga lutu lutuan yung bubong at doon pa umupo. Susko. Tambak na gasgas na inaabot ng sasakyan. Hinihintay ata nilang umulan para i convert yung likod sa isang mini pool. Susko.
*kanta ng mga lasing na kanina pang tanghaling tapat nag iinom dito samin.
Pasimuno na naman si Welong, ang dakilang dealer ng Natasha at Sara Lee. Ilanmg oras na lang, magkakabatuhan na naman ng bote at magkakapaluan ng tubo.
Excited na ko!

Simula nang magbakasyon, wala na kong ginawa kundi kumain. Lahat na lang ng makita ko sa ref namin kinakain ko. Sheeet.
Ikaw ba naman ang tumira sa dorm kung di ka magutom. Kailangan mo i-budget ang isang libong piso (or less) sa loob ng isang linggo. Akala mo malaki na yun? Tsk. Kulang yun para sa pagrenta ng computer, bayad sa photocopy at iba pang ka ekekan sa eskwela. Ang pag uwi sa bahay minsan sa isang linggo ay maituturing na blessing. Syempre, makakakain ka ng tunay na pagkain. Di tulad ng nakagawian na pancit canton o wow ulam. Pero ang mga holiday na tulad nito, owshet! Paraiso ang tawag dito! Kain lang ng kain hanggat kaya. Chance na to para malamanan ang sikmura ng pagkain na talaga namang napakasarap!
Pero di ibig sabihin nun e sobra na ang itinaba ko. Grabe yung kapitbahay ko. Sinabihan ako na baboy ako. Nakaka hurt. Te, 2 inches lang naman po ang nadagdag sa tape measure. Sobra ka naman para sabihan akong baboy. Bahala siya.Di ko siya bibigyan ng halaya. Hurhur~
Promise. Bukas mag uumpisa na kong mag exercise. Magagamit ko na to:

Nagpapatugtog si kapitbahay no. 1 ng kanta ni Jessa Zaragosa.Di malinaw skain ang title. Pero kapag sinabing Jessa, kung ano yung unang kantang papasok sa utak mo, yun na yun.Tatlong bahay ang pagitan namin pero dinig na dinig ko dito ang pagpapatugtog nya.Sabog ang speakers na binili sa tiangge.
Sumunod na nagpatugtog si kapitbahay #2. Eto matindi, the great pretender ang pinapatugtog nya. Susme! Nag mash up ang dalawang kanta na bumasag ng tenga ko!
Tapos dumagdag pa yung lolang sumisigaw na tinatawag yung apo nyang nagmumura.Ang aga aga ang ingay dito. Tanong lang, di ba kayo nabibingi? Kasi ako, binging bingi naaaaa!!!

Habang ako ay naglalaba sa tapat ng aming mumunting bahay, napadaan ang kapitbahay namin sabay tanong sakin ng “Ay naglalaba?” PUTEK! Hindi ate! Nag iipon lang ako ng tubig dahil lulunurin kita! HAHAHA :D
Pero dahil mabait ako, sabi ko nalang, “Hindi.Nagdadasal.”
Narinig ko ang usapan ng mga batang ito sa labas ng bahay namin.Mga 5 or 6 years old ata sila.Puro lalaki :)
Bata 1: Gusto mo tirahin kita?
Bata 2: Ayoko nga. Ikaw nalang tirahin ko gusto mo?
Bata 1: Wala ka namang ganitoo! (di ko alam kung ano yun dahil sarado ang bintana)
Bata 2: Meron kaya. Malaki pa dyan! Teka..
Bata 1: Ahaha! Ang pangit! Teka, si ____ nalang tirahin natin. Pagtulungan natin dali!
Bata 2: Hala, iiyak naman yan.
Bata 1: Di yan. Tawagin mo. Oi ___! (babae po ang tinawag nila)
Girl: Bakit? Ano yan? Patingin!
Bata 1 and 2: Titirahin ka namin tapos tatakbo ka ha!Dali na!
Girl: Sige dali!
Masyado na akong nababahala kaya binuksan ko ang bintana para tignan kung ano bang ginagawa ng mga batang to. At na SHOCK ako sa aking nakita!
Susme! Nagpapanaan lang pala!
Susme! Akala ko kuya nya yung ka chat ko! Yun pala yung kapatid ng kababata ko. 5 years old lang pero hanep mag chat!tsk.tsk. Noong 5 years old ako lutu lutuan lang ang alam kong laruin. Ngayon may echos ka pang games sa facebook.Ne, subukan mo mag Tumblr. BOW na talaga ko sayo :P