First year high school ako noong mangyari ang lahat ng ito. Walang muwang, at tanging payo lamang ng inay ang sinusunod. Kung anong sabi niya, yun ang gagawin ko. Pero may isang punto ng buhay ko, na hindi ko siya pinakinggan. Hindi dahil sa rebelde ako o gusto kong suwayin ang nanay ko para mabadtrip siya. Ito ay dahil sa pandidiri ko sa pagkakakita sa aking sariling dugo.
Nasa eskwela pa lang ako, para nang may gymnast sa loob ng puson ko. Dahil akala ko ay nag aalburoto ang tiyan ko dahil sa kinain kong burger na gawa sa puso ng saging ang patty, sa banyo ang diretso ko. Pero, iba ang nakita ko! Para naman di bastos basahin, sabihin na lang natin na para bang may minasaker sa panty ko. Gets mo na yan. Matanda ka na eh.
Akala ko noong una ay nabuntis ako ng lamok o linta tapos nakunan ako. Kaya tinawag ko ang inay at sinabing ‘yucks’ na yung panty ko. Ewan ko kung bakit sa halip na mandiri ay natuwa pa siya. Sinabi pa dun sa mga ka tsismisan niya sa labas at naging instant celebrity ako.
Dahil walang hagdan ang bahay namin, dinala nila ko sa bahay ng tita ko. May dala silang timbang may tubig, tabo at tuwalya. Kailangang tumalon daw ako ng tatlong baitang at doon maligo sa hagdan para di sumakit ang puson. Eh kung mabagok ako? Paano kung di ko kayang tatlong baitang? Isa pa, anong koneksyon ng puson sa paliligo sa hagdan? Ibig sabihin ba lahat ng walang hagdan sumakit ang puson? Buti na lang di pumayag ang tita ko dahil mababasa ang carpet niya.
Pero sabi naman ng tita ko, ihilamos ko yung pinaglabhan ng panty ko para di ako magka pimple. Langya. Kung mayroong dinuguan facial wash, yun na siguro yun. Sinakyan naman ng nanay ko at sabi nga ay ipanghilamos ko daw. Para tuloy akong nasa Fear Factor; fear na nga sa panty, fear pa kay nanay at tita.
May pimple nga pala ko ngayon. Alam niyo na siguro kung bakit.
Kung di mo maintindihan kung ano ang title ng post na ito, dalawa lang yan: di ka Hapon o di ka batang 90’s.
Bawat palabas noon na Hapon ay laging may ganyang karakter sa last clip ng palabas. Slow motion muna ng eksena, freeze, tapos ay lalabas sa lower right corner ang japanese characters na yan. Tutunog bigla ang theme song ng palabas para mas dramatic at unti unting fade to black. Naiiwan ang mga manonood na nakatulala at sana ay dumating na ang kinabukasan para maipagpatuloy ang pinapanood.
Kung namiss mo ang episode ng pinapanood mo, sorry ka na lang. Di ka pwedeng mag extend ng paglalaro sa labas dahil di mo aabutan si Voltes V. Di tulad ngayon na pwede mo na i-torrent ang paborito mong palabas kaya kahit gumimik ka, mapapanood mo pa din ang The Bachelorette. (Di ko alam kung bakit yun ang sinabi ko).
Para bumagay sa title ang post na ito…

Never kong natapos ang lahat ng larong ito. Lalong lalo na yung Circus Charlie na ginawa ata para wag kang magtagumpay. Haha!
Noon naman kasi di ka pwedeng buong araw maglaro ng computer eh. Uso pa noon ang maligo at kumain sa oras. Kapag naadik ka sa kakalaro ng family computer, siguradong papagalitan ka ng nanay mo at itatago na niya ang joystick kinabukasan kaya mas mabuting sumunod ka na lang. Di tulad ngayon na kahit buong araw kang nakababad sa computer, parang wala lang. Pero siyempre, pinapagalitan pa din dahil ang taas na ng bill ng kuryente.
Niyabangan ko yung kapatid ko kasi di niya alam kung sino si office assistant. Akala niya sexy na sekretarya na mahilig mang-akit ng boss tulad sa teleserye.
Hindi naman sa hayok na hayok akong manalo ng isang pilyong piso. Gusto ko lang masubukan kung hanggang saan ba ang kaya ng utak ko. Para bang, kung manalo ako, edi maswerte. May pang donate na ko sa charity. Kung hindi naman, ayos lang din dahil kahit papaano ay lumabas ako as TV at nakaharap ang kamukha ng tatay ko— si Bossing.
Bata pa lang ako, puro pang matalino na nilalaro ko. Hindi na nga ko maganda kaya syempre, babawiin ko na lang sa laman ng utak. Para maipagmalaki man lang ako ng inay at itay.

Ito ang madalas kong laruin noong hindi pa naaabot ng internet ang bundok na kinatitirikan ng bahay namin. Di ko matandaan ang eksaktong pangalan nito pero tanda ko, sa encarta to. Yung encyclopedia na nasa cd tapos i-install mo, presto! Di mo na kailangan magbuklat ng 12-volumes ng maalikabok na encyclopedia para lang hanapin ang sagot sa assignment mo.
Ito nga siguro ang dahilan kung bat minsan ay may mga bagay akong di ko inaakalang alam ko pala. Mga scientist, pangalan ng buto, itsura ng flags, sino si Joan of Arc, at kung ano ano pang trivia.
Konting review pa, sasali na ko sa Who wants to be a millionaire. Wag lang sana magtanong ng tungkol sa math.
Noon, takot na takot ako sa nanay ko pag may dalang hanger, patpat, ruler, pangkamot, o kung ano pa mang bagay na maari niyang ipanghampas sakin sa tuwing may nagagawa akong kasalanan. Di ako nahagupit ng sinturon dahil malaki ang buckle ng sinturon ng tatay ko. Magkaka internal bleeding ka pag natamaan sa ulo.
Talaga namang papalahaw ka ng iyak kapag sa braso ka nahagupit ng hanger eh. Babakat sa braso mo dahil mapula tapos mahapdi pa. Sa sobrang sakit, matatandaan mo yung ginawa mo at di mo uulitin para di mapalo. Kaya sa tingin ko ay hindi din ako naging masyadong makulit noong bata.
Malikot ako pero kapag sinabing tigil, titigil ako. Pag sinabing tama na ang laro, papasok na ko sa bahay. Pag tinawag akong, “Pssssst! Peeeeeey!”, alam kong dapat na umuwi dahil kakain na o di kaya ay pinapaligo na ko. Dahil pag di ako sumunod, kakaladkarin ako ng nanay ko mula sa kapitbahay at papaluin nung pangkamot ng likod na nabibili sa Baguio. Nakakahiya na, napalo ka pa.
Yung bunso kong kapatid, kahit ilagay ngayon sa sako ay di titigil sa kakulitan. Pag pinakitaan mo ng hanger, ibabato sayo pabalik. Pag pinauwi mo, sasabihin mamaya na. Sunduin mo sa labas, tatakbuhan ka naman. Suskong bata naman eh. Kung nabuhay siya noong kapanahunan ko, malamang hindi siya lalaking spoiled. Sitsit pa lang, takot na.
Kung noon ay palo ang paraan ng pandisiplina, ano na ngayon? Bawal humawak ng computer ng isang linggo? Di bibigyan ng panload? Babawiin angn PSP?
Bullshit naman yan.
Kung inaakala mong mangkukulam ang nagturo sakin para maging bihasa sa wikang ingles, nagkakamali ka. Mag iingles lang sa mangkukulam pa? Aba, grabe naman pala yun! Haha!
Ang tinutukoy ko e yung magazine ng Summit Media na WITCH. Tungkol ito sa buhay ng limang dalagitang pinamanahan ng kapangyarihan ng lupa, hangin, apoy, tubig at yung heart of Kandrakar. Parang Encantadia lang e noh? Pero siyempre, english version.

Kada buwan, pupunta kami ng nanay ko sa grocery o sa mercury drug para lang bumili ng kopya nitong magazine na to. Pag wala siyang pera, kailangan kong maglaba ng tatlong gabundok na maduduming damit para lang bilhan niya ko. Elementary pa lang ako noon pero naglalaba na ko ng maong ng tatay ko na mas mabigat pa sakin pag nabasa.
Syempre, tuwang tuwa naman ako kapag nagkakaroon ako ng bagong kopya. Sinubaybayan ko yung love story ng bawat character at umabot pa sa puntong napaiyak ako kasi apektadong apektado talaga ko. Tapos yung mga tula at drowing na sinubmit ng kapwa ko mambabasa, nakakainspire. Di naman kasi ako tumutula noong bata ako. Basa lang ng basa.
Kung susumahin, naka dalawang libong piso ata ko sa lahat ng kopya ko. Pero di ko na yan nakumpleto. Nahuli kasi ako ng teacher ko sa bio na nagbabasa sa klase niya kaya kinuha niya yung mga kopya ko. Di na niya binalik dahil idinodrowing pala ng asawa niya. Madaya si Maam.
Hanggang ngayon ay matindi ang pag aalaga ko sa mga kopya kong yan. May tape na ang mga gilid dahil nalulukot. Nilagay ko sila sa isang kahon dahil kapag doon ko sila nilagay sa bookshelf, gagabukin lang.
Wag lang sanang sugurin yun nung mga daga na nangangagat ng charger. Makakapatay talaga ko ng daga pag nagkataon.