Keep calm and drink Milo.

Super Mario fanatic. Loves the scent of books. Pancit canton addict.. In love with cheese and root beer. ♥
Recent Tweets @faye.alcoriza

First year high school ako noong mangyari ang lahat ng ito. Walang muwang, at tanging payo lamang ng inay ang sinusunod. Kung anong sabi niya, yun ang gagawin ko. Pero may isang punto ng buhay ko, na hindi ko siya pinakinggan. Hindi dahil sa rebelde ako o gusto kong suwayin ang nanay ko para mabadtrip siya. Ito ay dahil sa pandidiri ko sa pagkakakita sa aking sariling dugo.

Nasa eskwela pa lang ako, para nang may gymnast sa loob ng  puson ko. Dahil akala ko ay nag aalburoto ang tiyan ko dahil sa kinain kong burger na gawa sa puso ng saging ang patty, sa banyo ang diretso ko. Pero, iba ang nakita ko! Para naman di bastos basahin, sabihin na lang natin na para bang may minasaker sa panty ko. Gets mo na yan. Matanda ka na eh.

Akala ko noong una ay nabuntis ako ng lamok o linta tapos nakunan ako. Kaya tinawag ko ang inay at sinabing ‘yucks’ na yung panty ko. Ewan ko kung bakit sa halip na mandiri ay natuwa pa siya. Sinabi pa dun sa mga ka tsismisan niya sa labas at naging instant celebrity ako.

Dahil walang hagdan ang bahay namin, dinala nila ko sa bahay ng tita ko. May dala silang timbang may tubig, tabo at tuwalya. Kailangang tumalon daw ako ng tatlong baitang at doon maligo sa hagdan para di sumakit ang puson. Eh kung mabagok ako? Paano kung di ko kayang tatlong baitang? Isa pa, anong koneksyon ng puson sa paliligo sa hagdan? Ibig sabihin ba lahat ng walang hagdan sumakit ang puson? Buti na lang di pumayag ang tita ko dahil mababasa ang carpet niya. 

Pero sabi naman ng tita ko, ihilamos ko yung pinaglabhan ng panty ko para di ako magka pimple. Langya. Kung mayroong dinuguan facial wash, yun na siguro yun. Sinakyan naman ng nanay ko at sabi nga ay ipanghilamos ko daw. Para tuloy akong nasa Fear Factor; fear na nga sa panty, fear pa kay nanay at tita.

May pimple nga pala ko ngayon. Alam niyo na siguro kung bakit.

  1. batangmilo posted this