Noong huwebes, sabay na namatay ang dalawang tita ko. May ilang oras lang na pagitan kaya naman shock na shock ang daddy ko sa nangyari. Kumbaga kasi sa pagbili ng mamamatay, naka Buy 1 Take 1 si kamatayan. Di pa nga din ako makapaniwala sa nangyari eh. Ang mahirap pa dito, magkaiba ng lugar. Gabi gabi tuloy, magkakaibang burol ang pupuntahan.
Ngayon naman, nagtext yung kaklase ko. Nasa ICU daw yung tatay niya. Naisip ko tuloy, bakit usong uso ata ang mga pagkakaroon ng sakit at pagkamatay na nababalitaan ko ngayon? Kinikilabutan tuloy ako at di makapasok ng kwarto ko. Oo, takot ako sa multo. Kahit paglakarin mo ko sa kalyeng may nag iinuman, naka chin up pa ko. Pero papasukin mo ko sa bahay nang mag isa, atras na ko pre.
Anyway, gusto ko lang naman ipaalamna buhay pa ko. At nakuha ko na ang pinaka una kong sweldo :”>