Keep calm and drink Milo.

Super Mario fanatic. Loves the scent of books. Pancit canton addict.. In love with cheese and root beer. ♥
Recent Tweets @faye.alcoriza

"Kahit nga high school graduate pwede mag apply dun di ba? Nag aral ka ng apat na taon tapos sasayangin mo lang ginastos mo para magka degree sa pagsagot sagot ng telepono buong araw. Nakaupo lang, paulit-ulit lang yung sinasabi at maniningil ng credit card. Walang growth dun!"

-sabi ng isang kaibigan matapos malamang sa BPO ako nagtatrabaho.

Aaminin ko, akala ko noon ay madali lang din ang trabaho ng isang agent. Yung tipong nakaupo ka lang at sumasagot ng tawag habang nakasuot ng hoodie at umiinom ng kape mula sa tumbler. Yung tipong, basta magaling ka mag english, okay na.

Pero nagkanda leche leche ang pananaw ko noong makapasok na ko. Bakit? Ito ang ilan sa dahilan:

1. Thought organization and delivery -Bukod sa kailangang magaling ka mag english ay kailangan ding may laman ang sasabihin mo. Di pwedeng puro ‘ahuh, yes, okay’ ka lang dahil dapat  maintindihan ng customer mo ang lahat ng sasabihin mo. Dagdag mo pa yung opening ang closing spiel, emphatic statements, at power words. Susko!

2. Navigation- sa dami ng tools na kailangang gamitin, para kang naglalaro ng counter strike dahil kailangang mabilis ang daliri mo para makapag navigate ng ayos. Mga 3 window ang dapat an bukas. Bawat isang window, madaming pasikot sikot. Daig mo pa dagang pinag eekspirementuhan ng scientist kapag di mo alam kung anong pipindutin mo.

3. Multi-tasking- Ito na yung pinaka matindi. Kailangan mong kausapin ng mahinahon yung customer kahit nagmumura na; mag navigate ng system at hanapin ang solusyon kung bakit walang signal ang cellphone niya; at maggawa ng notes, i-view ang account niya at i-verify kung siya nga ba kausap mo. Phew.

Kailangan din ng utak sa trabaho na to. Wag niyong isipin na porket nasa call center ay paupo-upo na lang at malaki ang sweldo. Mahirap din mag isip at makipag usap sa mga taong di mo naman nakikita lalo na’t may language barrier. Ay nako. Bago niyo sabihing puchu puchu lang to, kayo muna mag handle ng calls. Bet?

Kaya sa mga call girl at call boy, pagbutihin niyo ang trabaho. Hanga na ko sa bilis ng utak at daliri niyo. Pati na din sa tibay ng loob as panahong may tumatawag na irate customers.

Apir!

  1. rosellermac reblogged this from batangmilo
  2. sixelevenglobalteleservices reblogged this from batangmilo
  3. cloudyflaire reblogged this from batangmilo
  4. lelem92 reblogged this from batangmilo and added:
    hahaha i feel you… dati un din sabi...kc 4 year graduate
  5. batangmilo posted this