Keep calm and drink Milo.

Super Mario fanatic. Loves the scent of books. Pancit canton addict.. In love with cheese and root beer. ♥
Recent Tweets @faye.alcoriza

Sana mas maraming maka appreciate ng Pinoy Films. Sana bilang Pilipino ay matutunan nating tangkilikin ang mga pelikulang nilikha ng kapwa natin Pilipino sa halip na sabihing baduy ito o di kaya ay napaka ordinaryo ng istorya. Maging mga pelikula din naman siguro sa Hollywood ay minsan na ding nagkapareho ng istorya. May mga baduy din silang istorya pero bakit kapag gawa nila, wala tayong maipintas?

Kailan kaya darating yung panahon na magiging sabik ang mga Pinoy sa mga pelikulang   obra ng kapwa Pinoy? Kailan mawawala ang kaisipang baduy ito at aksaya lang ng pera ang panonood nito sa sine? Kailan kaya yung panahon na madaming magsisiksikan sa mga sinehan at di lamang aasa sa pirated na DVD para makapanood ng pelikulang Pilipino?

Kung di mo pa napapanood ang kahit isa man lang sa mga pelikulang ito, pwes, pinalampas mo na ang ilan sa magagandang pelikulang gawang Pinoy:

  • One More Chance
  • No Other Woman
  • Rizal
  • My Amnesia Girl
  • A Very Special Love
  • Praybeyt Benjamin
  • The Road
  • At marami pang iba

Ngayon mo sabihin saking boring at sayang lang ang pera mo sa panonood ng pelikulang Pilipino.

Di mawawala sa mundo ng pangit at maganda. Di mo masasabing pangit ang isang bagay kung walang mas maganda rito. Di mo din naman masasabing ubod ng ganda ang isang bagay kung may lubhang mas maganda pa dito. 

  1. israelmekaniko said: kala ko ba d ka nanunuod ng movie? haha
  2. batangmilo posted this