Sugapa ako sa pagkakakitaan ngayong panahon na ito. Bukod sa trabaho ko ay naghahanap pa ko ng raket dahil gusto kong magawa yung mga bagay na gusto ko at nagpapasaya sakin kahit nagtatrabaho ako. Bawas stress, dagdag balance sa buhay.
Nag chat ako sa dati kong propesor dahil ibinalita sakin ng kaklase ko na kailangan daw ng writer at malaki ang kikitain ko. Teka, lumalabas ang pagiging sugapa ko. Anyway, tinanong ko sa dati kong prof kung ano kailangan kong gawin at kung fit ba ko para maging writer. Sabi niya, send daw ako ng portfolio.
Wait. Portfolio? Yung clear book ang pumasok sa isip ko. Shet!
Dahil trip i-reformat ng kuya ko yung computer ko, wala akong kopya ng mga article na sinulat ko noon. Nawalan na ko ng pag-asa pero noong naisip ko yung jeje email address ko, nagliwanag ang paligid ko na para bang nangangahulugan ng pag-asa. Yun nga pala ang ginagamit ko noon para magsend ng articles sa school paper. Ayos! Kailangan ko lang halungkatin doon sa 15,867 na email kung nasaan dun yung articles ko at pwede na ko magkaroon ng portfolio.
Oo nga pala, 700 pesos per article na ma-publish. At ang masaya pa rito, 500 words lang ang kailangan per article. At ang juicy part, para sa Singaporean magazine itong trabaho mga pre. Oha?
Ito na ang katuparan ng aking mga pangarap!