Keep calm and drink Milo.

Super Mario fanatic. Loves the scent of books. Pancit canton addict.. In love with cheese and root beer. ♥
Recent Tweets @faye.alcoriza

Kilala si Papa Jack bilang DJ na nagbibigay ng advice tungkol sa pag ibig. Maraming nagsasabi na effective ang advice niya at talaga namang nanayos ang gusot sa pagitan ng magkarelasyon. Pero kagabi, mukhang mali ata ang naibigay niyang payo.

May babaeng caller na humingi ng advice kay Papa Jack dahil gusto niya umano linawin ang estado nila ng kaibigan niyang lalaki. Dalawang taon na silang lumalabas at  maging mga kaibigan nila ay iniisip na may relasyon nga sila dahil sa mga kilos nila at pagpapahalaga sa isa’t isa.

Nagsasabi daw yung lalaki ng I love you kay babae at hinahatid pa sa bahay nila sa tuwing umaalis sila. Kilala din ito ng mga magulang niya at boto ang mga ito para sa kanilang dalawa. Pero dahil ayaw mag assume nung babae na may gusto sa kanya si lalaki, tumawag siya sa programa ni Papa Jack at humingi ng advice kung titigilan na ba niya ang nararamdaman o itatanong ba sa lalaki kung anong estado nila.

Dahil base sa kwento ng babae ay nasasabi sa kanya (via text) ang lalaki na mahal siya nito, sinabi ni Papa Jack na aminin na nito sa lalaki ang nararamdaman niya dahil mukhang mahal naman nila ang isa’t isa. Tinawagan nila ito at binalak na sasabihin ang feelings ng babae on-air.

Noong nasa linya na ang lalaki, sinabi ni Papa Jack na may nararamdaman ang babae para dito. Nagulat ito at di alam ang sasabihin. Sinabi ng DJ na ulitin ng babae ang mensahe niya ng pagmamahal sa lalaki noong wala pa ito sa linya.

Matapos aminin ng babae ang feelings niya, ito ang naging sagot ng lalaki:

“Actually, special siya sakin. Oo, nagsasabi akong I love you sa kanya kasi mahal ko siya as a friend. Pero siguro mas pipiliiin ko kung saan kami mas magtatagal. Tsaka, alam mo, fresh graduate ka, marami ka pang makikilala na para sayo talaga.”

Halata sa boses ng babae na nadurog ang puso niya. Biruin mo, ilang libong tao ang nanakadinig na hindi siya mahal ng lalaking akala niya ay may nararamdaman para sa kanya. Kaibigan lang ang turing nito sa kanya at kailanman ay hindi bilang isang karelasyon. Panay tuloy ang sorry ng DJ na mali siya ng pagbibigay ng payo na aminin na ng babae ang feelings niya para sa kaibigan.

Pero bawi niya, mabuti na din daw yun para alam na ng babae kung saan siya lulugar at di na mag assume pa. Hmm, tama nga naman. Pero ang sakit pa din kung tutuusin. Isang babae na grabe ang pagmamahal para sa isang kaibigang lalaki, at handang tulungan siya anumang oras ang umamin ng nararamdaman niya para sa isang taong kaibigan lang pala ang tingin sa kanya.

Muntik na ko umamin sa taong dalawang taon ko na din gusto pero dahil sa pakikinig ko sa programa niya kagabi, umurong bigla ang dila, puso at kaluluwa ko. 

  1. trashedjournal reblogged this from batangmilo
  2. piattos-overload reblogged this from batangmilo
  3. hairflipandsmile said: kawawa talaga yung girl kagabi. tss.
  4. therealkidinside said: Napakinggan ko to kagabi HAHA
  5. owlkeeper reblogged this from batangmilo and added:
    I was listening over this topic last night. It really was a downer to papa jack’s part. he also expected that much from...
  6. sheisapsychoticbtch said: Nasubaybayan ko ‘to kagabi! Kawawa yung girl :(((
  7. dorawillgoplaces said: binasted ni renz. ON AIR. I love you as friend.
  8. batangmilo posted this