Keep calm and drink Milo.

Super Mario fanatic. Loves the scent of books. Pancit canton addict.. In love with cheese and root beer. ♥
Recent Tweets @faye.alcoriza

Walang tulog, masakit ang tiyan at nagsusuka pa ko sa bawat banyo na pinapasukan ko pero pinilit ko pa din pumunta sa aming mini meet up. Noong umpisa ay si Pao, Marjan, Rhea at ako lang ang andun. Sumunod si Dexter. Matapos ko mapilit si Robin at Cris, sumunod din sila. Kasama pa si Eugene at yung mga chicks nila na di ko kilala. Sorry :)

Mga nangyari kahapon:

  • Tumambay sa foodcourt at nagpacute dun sa lalaking may dalang laptop.
  • Lumipat sa KFC at umorder ng madami para di mapalayas.
  • Kumanta ng You and Me at “Lintik na pag ibig na parang tindahan..”
  • Balik foodcourt para hintayin sila Cris at nagpaturo sila sakin magpa drawing ng isaw, multo, leeg ng giraffe, Sto. Niño at kung ano ano pa.

Nag drawing si Marjan ng Sto. Nino at hangang hanga naman ako. Matapos ang umating sila Cris, Robin, Eugene at yung mga chicks nila. Dahil kakatapos lang ng aming drawing session, hinamon ko si Cris na mag drawing. Tinapatan niya yung Sto. Niño ni Marjan ng babaeng may bangs. Pero kahit anong lupit nung dalawang engineer, wala silang panama dun sa isaw ko. Hihihi. 

Maya maya ay nagkayayaan na umuwi. Siyempre, picture muna, kain, hug, hatiran,naging bitch, tawanan, ginawa akong laruan, at madami pang iba. Sumama si Robin samin sa dorm ni Reah sandali at doon niya pinakita sakin ang kili kili niya. Ang puti nga. Haha!

Basta, ang saya lang. Sayang nga kasi ang sakit ng tyan ko at panay ang suka kaya wala akong masyadong energy kahapon. Pero pinilit kong paligayahin kayong lahat. Naging platypus, singer, artist, bitch, at kung ano ano pa. Tignan niyo. Mahal ko talaga kayo kaya ginagawa ko ang lahat mapasaya lang kayo. Naaaks :”>

Dahil sa sobrang daldal ko kahapon, paos ako ngayon. Daig pa na deep throat.HAHA!

  1. israelmekaniko said: kokonti exposure ko. k. i love u chugs!!! swerte ko kase kaibigan kita. ^^ kayong lahatttt!!!
  2. nelheenxxolic said: sana makasama nako next taymmmmmmmmmm :(
  3. music-coffee-sex reblogged this from batangmilo and added:
    Robin, Cris, Faye, Reah, Paolo, Dexter and Marjan. :)
  4. thedextertorresss reblogged this from batangmilo and added:
    Ala Eh People in the house. Well, halos kami lage yung magkakasama. Lagi din kasing biglaan kung magkita kami. Biglaan...
  5. marjanpatrick said: HAHAHA. Sto. Nino amp. Hahaha.
  6. freakyrobin said: HAHAHAHAHAHA deep throat! uy may gnwa din ako. paulit2 ung pics. :)) pahiram dn ng pics ah ^______^
  7. batangmilo posted this