Kung naintindihan mo yan, malamang batang 90’s ka.
Kung hindi pero batang 90’s ka, ay nako, malamang sosyal ka noong kabataan mo at di lumalabas ng bahay.
Pero sige, ituturo ko na. GA LANGUAGE ang tawag diyan. Bago pa man nauso ang jejemon at bekimon, uso na ang ga language. ISang code ng mga batang tambay para di maintindihan ng mga magulang nila kung ano pinag uusapan nila. Pero minsan, maganda din yan gamitin kapag pinag uusapan ang isang kalaro o di kaya ay para makapag usap tungkol sa isang magandang strategy kapag naglalaro ng sekyu.
Simple lang nag GA LANGUAGE. Dagdagan lang ng ga,ge,gi,go,gu ang syllable ng salita. Kung ano ang huling letra, dapat kaparehas ng G word ang idudugtong mo.(Putek. Ano nga ba tawag sa ga,ge,gi,go, gu?)
Example:
Kamusta?
Hatiin muna ang salitang kamusta per syllable. Ibig sabihin, Ka/mus/ta.
Tapos, idagdag ang G word. Ka+ga+mugus(mus+gu)+ta+ga ?= kagamugustaga?
Gets mo? Malamang naalala mo na ang sinasabi kong GA language :)
Kapag na practice mo ang salitang ito, putek! Daig mo pa ang pokemon o si loonie na magaling mag fliptop.
PRACTICE NA TOL!
Getegs mogo?