Keep calm and drink Milo.

Super Mario fanatic. Loves the scent of books. Pancit canton addict.. In love with cheese and root beer. ♥
Recent Tweets @faye.alcoriza

Desperada na ko makasama si Xian-oh-so-yummy-and-oh-so-pappable-Lim eh. Pinagtripan ako ng mga kaopisina ko at pinilit magpapicture kay Xian na nang aakit na bumili ka ng fries at float. Shet yung 2nd photo parang tunay! HAHAHA!


Kung ganyan ka gwapo naman ang madadatnan mo sa Mcdo, kahit sabihin gawa sa plastic at di nabubulok ang burger at fries nila, bibili pa din ako. Bwahahaha!

Araw-araw na lang, may bagong upload na video ng gwiyomi sa facebook. Badtrip na badtrip na ko hindi dahil sikat siya at ang daming nakikiuso. Naiinis ako dahil LSS na ko at para bang may ringtone na ng gwiyomi sa utak ko. Ang nakakainis pa dito, minsan eh bigla na lang akong napapa pose ng gwiyomi habang naliligo o di kaya ay nagtatrabaho.

Ayoko na makapanood ng gwiyomi shit pero pag nakakita naman ako ng bagong gwiyomi, pinapanood ko pa din. Masokista eh noh?


Parang love.


Sabi ko ayoko na pero tuloy pa din naman kami sa pag uusap. Edi naglolokohan lang kami? Laro kaya kaming ‘Mag ibigan tayo unang ma fall talo’ para mas exciting. Pahingi ngang barbed wire. Gawin ko lang necklace.

Asker Anonymous Asks:
Fatima, sana araw-araw ka nalang online. para lagi akong tawa ng tawa kahit ako'y mukhang tanga
batangmilo batangmilo Said:

Kinakabahan ako pag may tumatawag sakin na Fatima. Pakiramdam ko isa ka sa mga espesyal na tao sa buhay ko :o

Eto masarap pag one of the boys ka eh. Lakas maka feeling babae. Nakakafresh teh! Hihihi :3

Love you guys forever and ever! :”>

“Wala nga kayong pasok, tustado naman kayo dahil sa init! Bwahahaha!”- sabi ng isang manggagawa na may pasok kahit Araw ng Kagitingan.

Dati, wala akong pera pero gustong gusto ko gumala. Outing ng barkada, outing ng high school classmates, outing ng baranggay, reunion ng barkada (na sa outing pa din ang tuloy) at kung ano ano pang outing at gala na makaubos ng lakas at ipon.


Yun yung panahon na excited kang magbakasyon dahil matapos ang ilang buwan ng pag aaral at pag iipon ng bagsak na exam at quizzes, nakalaya ka na sa paningin ng prof mong masungit at ng mga kaklase mong *insert katangian na ayaw mo sa kaklase*. Oha! Freeedoooom!


“Shet! Makakapag PS1 na ko!”-yan ang lagi kong sigaw (wala pang shet kasi sasampalin ako ng nanay ko) kapag bakasyon na. Ay susme! Ang sarap magbakasyon! Lalo na pag may pera!


Kapag bakasyon kasi, mahaharap ka sa isa sa mga pinaka matinding desisyon na kailangan mong gawin sa buhay. Bibigyan ka ng bente, bahala ka na pagkasyahin sa maghapon.

Option 1: Mag internet/mag dota ng isang oras. May sukli ka pang 5 pesos pambili ng ice scramble o dalawang jumbo ice candy.


Option 2: Bumili ng halo-halo sa halagang bente pesos. Yun na yun. Bahala ka na kung paano palilipasin ang inip sa maghapon.


Option 3: Itaya ang limang piso sa bingo para sa anim na card. Pag sinuwerte, lalago yan ng 150 pesos! Pag minalas, ubos ang bente mo.

Option 4: Kainin ang kung ano mang meron sa ref. Matulog sa tanghali at manood ng Eat bulaga at Dramarama sa hapon. Ipunin ang bente araw-araw para makasama sa outing sa sunod na linggo. Mag volunteer na lang na maglaba para dahdagan ng 200 ang pang outing.


Kapag wala ka pang trabaho, malaya kang gumala anytime wala ka nga lang pera. Pag may trabaho ka naman, madami kang pera pero di ka naman makagala. Ay susme! Mag aasawa na lang ako ng mayaman! Haha!

Yiheee!

“Aaminin ko, nagseselos ako sayo ate”-sabi ng jowa ng kaibigan ko.

Di ko alam kung ano mas nakakabadtrip eh. Yung pinagseselosan ako o yung tinawag akong ate. Pakiramdam ko ako si Anne Curtis kahit di naman ako other woman dahil wala naman kaming ginagawang masama. Sana nga meron na lang eh. Joke!


Mayroon kasi akong kaibigan na napagsasabihan ko ng kahit ano tungkol sa buhay ko. Kapag galit ako, kinikilig na orgasmic o di kaya ay na stress sa trabaho, siya unang nakakaalam. Human diary na nga tawag nya sa sarili nya eh.


Lalaki sya. Matalino, matipuno, at kawangis ni Coco (kailangan mag rhyme lang). Siya yung kaibigan kong mahilig tumula. Di nakakapagtakang nag click kami agad dahil yun ang weakness ko. Tinutulaan nya ko lagi tungkol sa kahit anong bagay (inidoro, barong at rubber shoes, pag logout sa fb etc.) kaya aliw na aliw naman ako. Oha! San ka makakakita ng lalakibg kahit naglalaro ng dragon nest eh kaya tumula?! Naks!


Anyway, balik tayo sa kwento. Nag chat sakin yung girlfriend nung kaibigan ko at sinabing nagseselos sya. Pakshet lang. Di naman kami nag sex, naglampungan sa park o palihim na nagkikita sa gabi habang ngumangasab ng popcorn sa perya. Nag uusap lang kami. Oo, araw-araw. Pero tungkol sa kalandian ko at mga ‘pakinshet moments’ ng buhay ko ang topic namin. Anong nakakaselos dun? Pakshet 10x.


Sabagay, di ko naman sya masisisi dahil babae din ako. Siguro kung araw-araw na may kausap yung jowa ko na ibang babae, di ako magseselos kagad. Maging mature ng konti. Kapag may nakita kong kalantudan, aba! Ilabas na ang armalite at magkakaalaman na kami! Kaso wala eh. Susme!


Sabagay, ano nga ba ang laban ng isang Fatima sa isang babaeng ipinangalan sa isang ice cream? Mas sweet? Mas masarap? Sus. Banal naman ang pangalan ko. Patunay na wala sa bokabularyo ang mang agaw.


Basta. Mula ngayon, ayoko na ng ice cream. Pakshet.

Thank you for making me happy and breaking my heart all in just one day.

May nakasabay ako sa jeep kahapon na tatlong mga ‘pa cool’ na college students. Yung tipong maangas, naka wax ang buhok at hanep sa pagsuot ng checkered polo.


Ang daldal nung tatlo at panay ang usapan tungkol sa dota at gusto ko na saksakin sa ngala ngala ng screwdriver dahil ayaw mag abot ng bayad. Paghinto ng jeep sa tapat ng university, bigla silang tumahimik. Tumingin sa labas ng bintana at pinagpawisan ng malagkit.


Kuya 1: Pre, si *insert name ni ex ni kuya 2* oh. Kasama yung boypren nya. Tsk tsk!

Si kuya 2, malayo ang tingin pero wala namang tinatanaw. Panay ang tulak ni kuya 3 sa balikat nya (na di ko alam kung bakit yun lang alam nyang gawin) dahil pasakay na sa jeep yung ex at ang bagong syota. Awkward pakshet!


Nabalot na naman ng katahimikan ang jeep pagsakay ng bagong mag syota. Nag hi si kuya 2 kay ex at sinuklian naman ito ng isang tipid na ngiti. Mala Kim Chiu smile noong nakita si Gerald.

Biglang tumugtog ang ‘I’m All Out Of Love’ (yung first and last single ni Dennis Trillo noong nag attempt syang maging singer). Palipat lipat ang tingin ng mga kaibigan mula kay kuya 2 at kay ex na panay ang picture sa jeep kasama ang jowang payat. Kung ako si kuya, ang sarap sabihin na, “Payat ka! Kayang kaya kitang patumbahin!”


Bumaba na ang magjowa at inalalayan pa ni bagong bf ang kanyang girlfriend. Nag HHWW pa pagtawid. Tumatawa pa si ate. Di man lang nagpaalam. Gusto kong sabihan ng, “Ganyan ka ba talaga katigas?!”


Tinanong agad ni kuya 3 (sa wakas nagsalita na sya) si kuya 2.


Kuya 3: Pre, okay ka lang? Dapat binanatan natin eh. Suntukin ko sa panga pwede nang kalso(?) ng jeep yun eh!


Kuya 2: *pasimpleng nagpunas ng mata* Sakit pre. Tangina, mahal ko pa.


Di ko na nadinig ang kasunod pang sinabi nya dahil bumaba na ko. Sulit ang pagsakay sa jeep ng tabghaling tapat. Lumalagablab na kalsada, lumalagablab na eksena. Kahit ang mga ‘pa cool’ na lalaki pala, umiiyak din. Tanggal yung angas pagdating sa pag ibig. Auto-delete ang swag at parang biglang naging maamong tuta.

Ginawa ko to habang naghihintay ng jeep sa ilalim ng posteng may dilaw na ilaw. Bangag at gutom mula sa trabaho. Nakatayo ako ng 2 oras para lang may dumaan na jeep. Tiis ganda dahil yung takong ko pang beauty contest.


Ito weakness ko eh. Pakshet. Hilig na hilig ko talaga magsulat pero pag nagpagawa na ang teacher ng tula, ay susmiyo! Gusto ko magpalamon sa lupa ng buhay!Pang fliptop lang ako kung tumula. Walang kalatoy latoy ang pinagsasasabi ko. Parang nakikipag bangayan lang sa kanto.


Pero may taong ginawan ako ng tula dahil gustong gusto ko sya. Di ko pa lang pinapakita dahil baka di nya type. Malay ko ba kung mas gusto nya makakita ng legs kesa sa tula di ba? O kaya mas trip nya pick up lines na tipong “Mesa ka ba? Papatong naman oh.”


Masayang lang ang effort ng feeling makata. Di naman pala niya hilig ang magbasa o tumula. Sabihin pa nya korni o walang dating. Naniniwala pa din akong basta writer, sweet lover.