Ang mga instant doktor at ang babaeng luwa ang suso.
Madami akong nais ikwento tungkol sa araw ko pero itong dalawa talaga yung di ko malilimutan. Pareho kasing nangyari sa loob ng jeepney. Yung isa ay noong papunta ko sa Makati, at yung isa ay nung pauwi na ko. Okay, game.
Ang tatlong doktor sa loob ng jeepney
May kasakay kaming babae na ubod ng sakit ang tiyan. Hindi na makaupo ng tuwid, nagsusuka ng laway, hinahabol ang hininga at higit sa lahat, nag iinarte kapag pinagtitinginan ng pasahero. Isusugod sa ospital yung babae pero dahil ang tagal mapuno ng jeep, naghintay pa kami ng trenta minutos. Kulay puto seko na yung babae.
May naglakas loob na magtanong kung anong nagyayari sa babae. Edi sinabi nung kasama na masakit nga daw ang tiyan, di makakain at uminom daw kagabi kaya sinusumpong ata ng UTI. Matapos yun, sunod sunod ang pagsasabi ng mga pasahero kung anong maaring sakit ni ate.
- Pasahero 1: Naku, may UTI pala. Painumin mo ngErythromycin. Wag mo na dalhin sa doktor, yun lang din naman sasabihin nun.
- Pasahero 2: Pitikin mo yung tiyan niya. Tignan mo may kabag yan.
- Pasahero 3: Hilutin mo yung likod niya, dyan masakit yan eh. Umiikot kasi yung kirot nyan.
Lalong humiyaw sa sakit yung si ate. Kung dahil ba sa sakit ng tiyan o dahil sa mga payo nung tatlong pasaherong feeling doktor na biglang nag diagnose sa kanya.
****
Tutulog tulog kaya aalog-alog
Habang nakasakay ako sa jeep na kulang na lang eh magmukha kaming corned tuna sa sobrang sikip, may isang babaeng sexy na tumabi sakin. Noong umandar ang jeep, agad siyang nakatulog at parang dinuduyan duyan yung ulo niya. Sarap!
Yung katabi niyang naglalaro ng Temple Run, iniirapan siya pero walang epekto dahil tulog na tulog siyang nakasandal sa balikat nito. Kulang na lang may mag play na “Put your head on my shoulder” bilang background music. Kapag pumepreno yung jeep, nauuntog si ate sa balikat nung katabi niya at magigising siya. Pero matutulog ulit.
Saka ko lang napansin na nakatingin sa kanya yung lalaki sa tapat niya. Akala ko naman tumulo ang laway o di kaya natulog ng dilat. Yun pala, kita ang boobs at ang bra niyang black. Hanggang ngayon di ako mapanatag kung ginising ko ba dapat siya at sianbing bukas ang blouse niya. Anyway, bumaba naman kagad nung napansin ko.
****
Pakiramdam ko napaka makasalanan ng mata ko ngayong araw.