
Nasa byahe kaming magkakaibigan nang mapagkwentuhan namin kung meron nga bang bagay na sadyang pang Pinoy nga lang.Sabi ko, “Jeep!”. Aba! Di daw! May jeep na din pala sa China! Hay, Sayang naman. Yun na nga lang ang bagay na maituturing nating identity ng Pinoy, nagaya pa.
Pero may mga bagay pa ba na makakapag sabing Pinoy ka?
Kapag ikaw ay inimbitahan ng kaibigan mo na pumunta sa kanila, obserbahan mo, may mga bagay pa ngang masasabi mong pang Pinoy nga. Pagpasok pa lang sa bahay, makikita na ang namumulok mulok na mga piraso ng ubas na nakasabit sa pinto.Sigurado noong bagong taon pa nakasabit yun, at hanggang ngayon di pa tinatanggal.Sigurado, papaupuin ka ng kaibigan mo at aalukin ng maiinom. Papipiliin ka pa kung juice o softdrinks, pero sa loob loob nya ay sana sabihin mo ang salitang “Wag na lang.Busog pa ko” dahil sa totoo lang, tubig lang ang meron sila.
Pumunta sya sa kusina para tignan kung may maipapakain sya sayo,Baka kasi sabihin mo ang kapal ng mukha nyang imbitahan ka sa kanila di ka naman pala papa meryendahin. Dahil naiwan kang mag isa sa sala, nainip ka at napatingin ka sa mga medal at mga ribbon ng Most Punctual, Most Behave, Most Polite at Most Industrious na naka frame pa! Eto pa, malamang naka frame din ang mga diploma at certificate sa MTAP o sa mga napuntahang seminar. Sa kabilang side ng pader, andun ang isang malaking carpet na may design na machong aso na nagyoyosi at pusa na naglalaro ng bilyar. Puno na ng gabok pero naka display padin.
Biglang lumabas galing sa kusina ang kaibigan mo dahil sa narinig niyang sigaw ng tindera ng pichi pichi. “Pichi Pichi, bagong luto!” sabi ng tindera. Hihirit naman ang mga batang tambay ng “Kahapon pa!” Pichi pichi, bagong luto kahapon pa?nyek.
Dahil tatlo sampu lang naman, bumili ang kaibigan mo para may ipakain na sayo. Bumalik sya ng kusina at inilagay ang pichi pichi sa plato na mukhang galing sa fastfood.
Nahiya naman ang kaibigan mo kaya dinalhan ka nya ng tubig na may yelo. Sosyal ang yelo! Hugis lalagyan ng cup noodles!
Masyadong maingay ang mga kapitbahay nila na naglalaro ng mahjong at tong its kaya niyaya ka nya sa dining area nila. Ang sosyal ng tawag. Pagpunta mo, nagulat ka sa mga ga higanteng kutsara’t tinidor na nakasabit sa pader na pinagigitnaan ang Last Supper.Galing Baguio pala. Habang nagkukwentuhan kayo, inaus nya ng tambak ng hugasin sa lababo na mukhang napag iwanan na ng panahon. May mga lalagyan ng kape na ginawang baso at mga plastic na plato na may pabilog na floral design.
Bigla mong naalala na may kailangan ka palang hiramin sa kanya. Niyaya ka niya sa kwarto para hiramin iyon. Pagpasok nyo sa kwarto ay tumambad sayo ang mga poster ng F4, Westlife, Backstreet Boys at ni Marian Rivera. Nagmukha tuloy may design ang pader na walang pintura.Sa isang sulok ay nakita mo ang isang istante na puno ng mga give away mula sa binyag, kasal at debut. Mukhang di talaga ginagalaw dahil kinakalawang na ang kandado ng cabinet. Binuksan mo ang isa sa mga drawer at nakita mo ang ilang piraso ng pocketbook. Ilan sa mga ito ay ang Santiara 25 (The Sunshine Girl), Pupula ang Lupa sa iyong Dugo, Huwag kang manalig sa bulung bulungan at iba pang title na talaga namang mauutas ka na sa kakatawa.
Paglabas nyo ng kwarto, naabutan nyo ang mga kapamilya nya na kumakain ng hapunan. Niyaya ka nilang sumalo kaya nakisama ka na din.Pritong isda lang ang ulam pero, susme! Ang daming sawsawan! May patis, toyo’t kalamansi, at suka! Ginagamit kaya lahat yun?Baka.Siguro.Ewan.
Pagkatapos kumain, nakisama ka manood ng paboritong palabas ng pamilya. Talent show. May kumakain ng apoy, sumasayaw sa alambre, kumakanta habang nakatiwarik at kung ano ano pa. Naaaliw ka ba dahil sa talent nila o dahil mukha silang katawa tawa? Bahala ka na.
Biglang napagalitan ang kasambahay nila dahil sa pagwawalis nito.Alas sais na pala. Bawal daw yun ayon sa pamahiin.Nawawala ang swerte. E ano namang koneksyon ng gabi sa swerte? May santo ba na nagbibigay lang ng swerte tuwing umaga?Pag vacuum ba ginamit malas din yun? Ay nako. Ang hilig natin maniwala sa pamahiin. Teka, gabi na nga pala. Makauwi na.Baka mapagalitan ng nanay.
Ang bait ng kaibigan mo. Hinatid ka pa sa sakayan.Sa daan papunta dun, ang dami nyang nakasalubong.Teka, konsehal ba kaibigan mo? Baka SK Chairman? Di naman. Palakaibigan lang talaga.
Nakasakay na rin ng jeep sa wakas. Medyo malayo sa drayber ang naupuan mo. Bui nalang iniabot ng katabi mo sa mamang drayber ang bayad mo.Matanda na siya at madaming dalang maleta.Mukhang galing ibang bansa. “Di na nawala ang trapik eh.tsk.” sabi nya.Nagulat ka naman kaya itinanong ko kung san sya galing. “Amerika” sabi nya. Tinanong mo ulit kung bakit sya umuwi. Ang sagot nya, “Miss ko na kasi ang adobo”. Naisip mo nalang, “Ah. Pinoy nga.”


