Masarap kayang maging ampon?
Napansin ko na dumadami na ang mga grupo dito sa Tumblr. Mayroong malakihan, mayroon din namang hindi. Nakakatuwa at nakakalungkot.
Nakakatuwa dahil sa laki ng mundong ito, makakatagpo pala tayo ng mga kaibigan na ituturing tayong kapamilya. Take note, sa internet pa.
Sa isang banda, nakakalungkot dahil hindi lahat ay pinapalad ang kanilang magiging kapamilya dito sa mundo ng internet. Maaaring magkaroon ng kaibigan pero di katulad ng iba na pamilya ang turingan.
Ganyan talaga. Wag malulungkot kung wala ka pang grupo dito sa Tumblr. Di naman kasi porke’t wala kang ka grupo e wala ng nagmamahal sayo. Di ibig sabihin wala ka ng kwentang tao. Di mo pa lang nakikita ang mga taong kaparehas mo ng interes.
Alangan namang ipagsiksikan mong sumali sa grupong malilibog e tipong SEX pa nga lang nababastusan ka na? O di kaya ay sa grupo ng photographers pero di mo naman alam kung ano ang aperture, ISO o kaya ay shutter speed man lang. PAyo ko sayo, dun ka sa mga taong kapareho mo ng interes at makakasundo mo. Kung fan ka ng KPOP, edi sa KPOP.
Ganun lang yun kasimple. Magugulat ka na lang isang araw na may aampon na pala sayo at mamahalin kang tunay.